“Sana, Saan Na?” by Emman Go

Akala ko puwede
Na puwede pa tayong umahon sa lubluban
At mag-abang sa pagsilip ng araw
Madaling araw, ako’y nawawala
Malabo ang pinta ng langit
Walang aniniput para sa munting kislap
Nalubog sa isang kumunuy
At ang dalangin ay hindi na nabigkas

Akala ko maaari
Magmahal nang walang pasubali
Ngunit ang ipinaglalaban ay hindi tumugon
Bagkus nanatiling mahimbing sa panaginip na mistulang payapa

Akala ko kaya natin
Maging isa sa pagtuklas ng hiwaga
‘Pagkat ang mundong pangarap
Noo’y isa lamang hinagap

At sa huling segundo ng ating pagpili
Nabuo ang pag-asa
Na baka sakaling bukas,
mayroon nang lunas

Sana,
Saan na?

Follow Emman’s poetry-filled Instagram page @thebadwriter_96

Leave a Comment